Saturday, December 11, 2004

calasanz's inspiring. whew.

im posting part of my philo paper just because i realized how philo seems to be such an interesting subject. the fact that it makes you think somehow qualifies it as a sensible subject to take. disregard those which just ask you to memorize stuff, i.e, history. i really dont see the point of studying that. at least with philosophy, it brings you to realization or it simply reminds you that there's such a thing as pagpapakatao. in addition to that, i've just finished reading calasanz' my body AKA ang aking katawan. i found it too interesting that i actually borrowed kat's copy of its english version which she used last sem. so anyway, here goes the excerpt: (but dont expect that this has anything to do with calasanz' article)

Materyal, halaman, hayop– may kani-kaniyang katangian, may kani-kaniyang pagkakakilanlan. Umiiral sa limitadong paraan. Tao– umiiral sa hindi mabilang na paraan. Patuloy ang pag-unlad ng isip na nagdudulot ng pagbabago sa ginagawa’t sinasabi. Ang mundo ng tao ay mundo ng pakikipagkapuwa-tao. Hindi lahat bata, matanda, babae o lalaki. Hindi lahat doktor, pulis, pokpok o malibog.

Ano man ang mangyari, huhubugin ng bawat sandaling pakikipagkapuwa-tao (o maging pag-iisa) natin ang ating pagkatao. Tuturuan tayong maging mabuti, masama, matapang, duwag, matatag, mahina. Hindi ako nabubuhay mag-isa. Kung sino ako ngayon ay bunga ng pakikitungo ko sa aking mga kaibigan, kapamilya, maging kalikasan. Ganun din ikaw, siya, sila– lahat ng tao sa mundo. Mahalagang sabihin na ang tanging kakampi at kalaban natin sa pagbabagong ito ay panahon. Kakampi dahil sa paglipas ng panahon, unti-unting nabubuo ang ating pagkatao; kaaway dahil sa pagdating ng kamatayan, tumitigil sa isang tao ang pagbabago– ang pag-unlad ng sarili.

Nabubuhay tayo sa kasalukuyan at dala natin ang bahagi ng ating nakaraan. Hindi man kayang bumalik sa nakalipas ay kaya nating gunitain ang pagiging sarili natin– mula nakalipas tungo sa sandaling ito; mula kamusmusan tungo sa pagtanda.

At ang kasalukuyan ay magiging nakaraan ng bukas. Isa na lamang alaala ng matamis, mapait na nakalipas.


not much to say tonight. so ill end this here.

2 comments:

Anonymous said...

kervin, this is rina! :) just found out about your blog now. hehe. sayang wala ka na sa livejournal so di kita ma-add sa friends list ko. :) i like your entries...haha. my blog seems so shallow compared to yours. :P

triple A said...

haha. okay lang yan... it's actually medyo disgusting to use blog to display one's geekness. hahaha.